Advertisers

Advertisers

ANAK NG RETIRED POLICE GENERAL TIMBOG SA P29M ‘BATO’

0 34

Advertisers

ZAMBOANGA CITY – Dinakip ng mga awtoridad ang anak ng isang retiradong police general nang makuhanan ng nasa P29.9 million halaga ng iligal na droga sa anti-drug operation dito noong Lunes.

Kinilala ng Police Regional Office in Zamboanga Peninsula (PRO-9) ang naaresto na si Ashraf Kayzar Ikbala, 40 anyos, ng Aurora Village, Barangay Tumaga dito.

Si Ikbala ay nadakip sa buy-bust operation 11:05 ng umaga sa Sitio Palawan, Zone 2, Barangay Divisoria ng pinagsamang puwersa mg Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Naval Intelligence and Security Group-Western Mindanao. Nasamsam sa kanya ang mahigit 4 kilos ng shabu na nakalagay sa transparent plastic bags.



Si Ikbala ay anak ng retiradong police general na nagsilbi sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development ng PNP noong 2010.

Kasalukuyang nakakulong si Ikbala sa Zamboanga City Police Office.



Sa rekord, si Ikbala ay naaresto na noong January 2019 nang makuhanan ng P100,000 halaga ng illegal drugs sa operasyon sa Aurora Village Subdivision, Barangay Tumaga. Sangkot din siya sa dalawang drug-related cases na isinampa laban sa kanya noong 2018, dahilan para maisyuhan siya ng outstanding arrest warrant.

Sa hiwalay na operasyon noong Linggo, naaresto ng pulisya ang dalawang tulak sa isang motel sa Barangay Canelar. Ang mga nadakip ay isang 38-anyos na lalaking jeepney conductor, at 35-anyos na babaeng vendor. Nakuha sa kanila ang nasa 100 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.(PNA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">