Advertisers
IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isa sa mga unang hakbang ng kanyang administrasyon mula nang siya’y manungkulan ay ang pagsisikap na tanggalin si Mary Jane Veloso sa death row.
Sa ambush interview sa Nueva Ecija, sinabi ni PBBM na sa tulong ng gobyerno ng Indonesia, matagumpay na naisalba si Veloso mula sa parusang bitay.
Kasabay nito, pinuri ng Pangulo ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia, partikular ang naging suporta ni dating Pangulong Joko Widodo at ng kasalukuyang presidente na si Prabowo Subianto.
Ipinunto niya na ang tagumpay na ito ay resulta ng higit sa isang dekada ng pagsisikap, na nagsimula pa sa mga nakaraang administrasyon.
Nang tanungin kung posible ang clemency para kay Veloso, sinabi ni Pangulong na patuloy pa itong pinag-aaralan. (Gilbert Perdez)