Advertisers
Naawi ang 13-anyos na babae nang magbigti sa bayan ng Lingayen, Pangasinan nitong Sabado, November 23.
Ayon sa mga otoridad, ang biktima isang grade 8 student, residente ng naturang bayan.
Sa imbestigasyon, 5:40 ng hapon nang umuwi ang nanay ng biktima galing ng trabaho at nagulat ito nang makita ang anak na may tali sa leeg na nakabitin sa loob ng kanilang bahay.
Sinabi ng ina ng biktima na bago ang insidente napagalitan o napagsabihan niya ang biktima dahil sa pagiging iresponsable nito.
Huling namataan ng mga kapitbahay ang biktima na buhay pa bandang 5:15 ng hapon.
Isinugod sa Lingayen District Hospital ang biktima nguni’t idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.