Advertisers

Advertisers

Non-wage benefits tulad ng allowances, subsidies isinusulong ng Trabaho Partylist

0 4

Advertisers

Para maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipinong manggagawa, isinusulong ng Trabaho Partylist ang paghandog ng mga non-wage benefits tulad ng allowances at subsidies.

Ayon kay Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, mainam ang paghandog ng mga naturang benepisyo, lalo na’t mayroon na namang 2.3% inflation rate noong Oktubre 2024.



Hinimok ng grupo ang mga employer na magbigay ng benepisyo tulad ng rice subsidy, transportation allowance, at medical allowance upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Para kay Atty. Espiritu, itong mga non-wage benefits ang maaaring tutukan ng mga private sector companies upang matulungan ang kanilang mga empleyado.

Ayon sa Trabaho Partylist, maaaring gawing batayan ang mga natutunan noong pandemya tulad ng work-from-home arrangement at flexible working hours para sa mas maayos na kondisyon ng mga manggagawa.

Itinutulak din ng Trabaho Partylist ang pagsusuri sa kasalukuyang P90,000 tax exemption threshold para matiyak na ito ay tumutugma sa kasalukuyang pangangailangan ng mga manggagawa.

Nauna nang inihayag ng Trabaho Partylist na masusi nitong tututukan ang mga solusyon sa itinatawag na “most urgent national concerns” ng taumbayan tulad ng pagkontrol ng inflation at pagdagdag ng trabaho.



Naniniwala rin ang grupo na mahalaga ang pagkakaroon ng representasyon ng Trabaho Partylist sa Kongreso upang maisabatas ang mga mahahalagang benepisyo para sa mga manggagawang Pilipino.