Advertisers

Advertisers

MED ALLOWANCE PARA SA MGA KAWANI NG GOBYERNO APRUBADO NA

0 22

Advertisers

MAGANDANG balita para sa mga kawani ng gobyerno dahil makukuha na nila ang kanilang P7,000 medical allowance para sa taong 2025 makaraang aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang kaukulang guidelines na may kinalaman dito.

Pahayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang hakbang na ito ay pagtupad sa isa sa mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang benepisyo at sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Nabatid na sakop ng DBM circular ang lahat ng civilian government personnel sa mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga nasa State Universities and Colleges (SUCs) at mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).



Sinasabing hindi titingnand ito ang appointment status—regular, casual, kontrakwal, appointive o elective, full-time man o part-time, dahil lahat sila ay makakatanggap ng medical grant.

Maliban dito, makikinabang din ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan at mga local water districts sa kaparehong medical allowance. (Gilbert Perdez)