Advertisers

Advertisers

Covid update: 82 gumaling; 10 nasawi; 1,721 bagong kaso

0 497

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 1,721 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Disyembre 21.
Samantala ay mayroon namang naitalang 82 na gumaling at 10 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (23,341) ang aktibong kaso, 93.0% (429,207) na ang gumaling, at 1.94% (8,957) ang namatay.
Nanguna pa rin ang Davao City na may maraming naitalang bagong kaso ngayong araw na nasa 151.
Sinundan ito ng Quezon City na may 142, 85 sa Rizal, 81 sa Laguna at 77 naman sa Manila.
Samantala, muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na kinakailangan ang wastong pagsusuot ng face mask, face shield kung lalabas para sa preparasyon ng Kapaskuhan.
Umiwas sa mga masisikip na lugar at iwasang magtagal sa labas lalo na kung wala namang importanteng gagawin upang maiwasan din ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)