Advertisers
INIULAT ng Department of Health (DOH) na mababa ang bilang ng kasong naiulat nitong Linggo, Enero 3, dahil sa kakaunting pasyente sa mga Covid-19 laboratories ngayong New Year.
Sa datos ng DOH, nakapagtala lamang ngayong araw ng 891 na bagong kaso dahilan para sumampa na sa 477,807 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.
Samantala ay mayroon namang naitalang 8,316 na gumaling at 4 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.2% (20,292) ang aktibong kaso, 93.8% (448,258) na ang gumaling, at 1.94% (9,257) ang namatay.
Ang Davao City pa rin ang nanguna sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ngayong araw na may 65.
Rizal, 55; Isabela,50; Manila, 40 at 37 sa Quezon City.
Kaugnay sa mababang naitalang bagong mga kaso ngayong araw, nagpaalala ang DOH na maging maingat sa pag-interpret sa mga numero dahil posibleng sa mga susunod na linggo ay maari namang sumirit ang kaso.
Patuloy ding sinusuri o inaalam ng DOH ang lawak ng epekto ng holiday season sa Covid-19 transmission. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)