Advertisers
NAARESTO ng mga ele-mento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang singer at rapper ng grupong Breezy Boy sa pagbebenta ng mga baril sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City.
Kinilala ni Major General Nicolas Torre III, direktor CIDG, ang naaresto na si Rovi alyas “Slick One” at kasabwat nitong si alias Mark.
Ayon kay Torre, isinagawa ang buy bust operation ng mga elemento ng CIDG Northern District Field Unit sa Paradise Village, Barangay Tonsuya, Malabon.
Inaresto ang mga suspek ng mga operatiba nang makuhan ng isang caliber 38 sa buy bust operation.
Aniya, si Slick One na singer, rapper, composer ay naging popular sa social media sa kanyang mga kanta at pag-rap ng grupong Breezy Boy at kasalukuyang Lalamove delivery drive, habang si alias Mark isang sticker signage installer.
Miyembro ang mga suspek ng “Laguna Criminal Group” na sangkot sa gunrunning na nag-o-operate sa CAMANAVA area o Northern part ng Metro Manila.(Mark Obleada)