Advertisers

Advertisers

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, kasama ang miru system

0 5

Advertisers

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacanang ng isang malawakang imbestigasyon dahil umano sa mga iregularidad na nangyari sa nakaraang halalan na ilang milyong balota ang hindi nabilang at hindi pagtugma ng bilang sa mga balota at resulta nito.

Sa isinumiting complaint letter na ipinadala kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr , isang partylist leader na si Jeffrey Santos ang nagsiwalat na ang ginamit na automated counting machines (ACMs) na pag-aari umano ng Korean firm Miru System Inc., ay kinabibilangan ng ilang prominenteng tao kaya ang ilang kandidato ay nanalo sa eleksiyon na may malaking boto.

Ilan sa mga tinukoy ay mga prominenteng politiko na may koneksiyon umano sa Miru System Inc., na maaring may kinalaman daw sa anomalya sa paggamit ng ACM machines.

Ayon sa pinirmahang complaint letter ni Santos, ang resulta ng partylist ay minanipula umano ng mga taong may kaugnayan o parte sa operasyon ng Miru system upang makasiguro sila nang boto at makapuwesto sa kongreso o senado.

Bukod kay Santos, ilang miyembrong organisasyon tulad ng Makabayan coalition ang agarang humiling ng masusing imbestigasyon sa mga alegasyon ng irregularities na naganap noong araw ng halalan.

Nagpahayag ang mga grupong ito ng matinding pag-aalala tungkol sa ilang automated counting machines (ACMs) na iniulat na nagpakita ng maling kabuuang boto at tumanggi sa mga balota.

Dahil dito, nagkaroon ng panawagan para sa detalyado at maingat na pagsusuri ng mga isyung ito upang matiyak ang integridad ng proseso ng halalan.

Nanawagan na rin ang ilang grupo para sa mano-manong pagbibilang ng boto upang malaman ang totoong resulta ng halalan sa halip na ang mga automated counting machines, na posibleng may resulta bago pa magsimula ang pagboto.