Advertisers

Advertisers

Mga sugarol sa Valenzuela, nakuhanan ng droga

0 98

Advertisers

KULONG ang dalawang lalaki nang mahuli sa aktong nagsusugal ng cara y cruz at makuhanan pa mahigit P200k halaga ng shabu sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jeff”, 40, scrap collector at alyas “Randy”, 42, construction worker at kapwa ng residente Brgy. Parada.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga coins na gamit bilang ‘pangara’ at P750 bet money habang nakuha naman kay alyas Jeff ang isang sling bag na naglalaman ng walong plastic sachets ng shabu na may kabuuang timbang na nasa 40 grams at nagkakahalaga ng P272,000.00



Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Anti-Illegal Gambling/Cara y Cruz) habang karagdagan na kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 ang kakaharapin pa ni alias ‘Jeff”’.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">