Advertisers

Advertisers

Wow mali!: Construction worker napagkamalang holdaper niratrat ng pulis sa Pampanga

0 331

Advertisers

BUMULAGTA ang isang construction worker nang mabaril ng pulis sa Sta. Rita, Pampanga.
Kinilala ang biktima na si Federico Pineda, 29-anyos, construction worker. Habang ang nakabaril na pulis ay kinilalang si Corporal Eframe Ramirez.
Sa ulat, nasasagawa ng dragnet operation ang mga pulis sa nangyaring pagnanakaw sa isang piso net shop sa Barangay San Matias,Sta. Rita nang saktong mapadaan si Pineda.
Ayon kay Capt. Renemer James Pornia, hepe ng Sta. Rita Police, sumakto sa description ng suspek si Pineda kaya ito napagkamalan.
Sa report, kagagaling lamang ng biktima sa kaarawan ng kanyang anak at inihatid nito ang tiyuhin sa malapit na sabungan kungsaan nakita ring pumasok ang suspek sa pagnanakaw.
Nagkataon umanong parehong nakasuot ng puting sando si Pineda at ang suspek kaya napagkamalan ito.
Na-inquest na si Ramirez at kasalukuyang nakadetine sa Sta. Rita Municipal Police Station habang inihahanda ang mga kasong kahaharapin nito.
Nahuli naman kinagabihan ang tunay na suspek sa panghoholdap na si Joven Basera. Nakuha sa kaniya ang mahigit P6,000 na ninakaw nito sa piso net shop. Nahaharap ito sa kasong robbery-frustrated homicide si Basera. (James de Jesus)