Advertisers
Nadakip ng mga operatiba ng Malolos Pulis ang isang lalaki na wanted sa 7 kaso ng qualified trafficking in person sa siyudad ng Malolos, Bulacan.
Sa report na tinanggap ni OIC PNP Bulacan Provincial Director PCol. Franklin Estoro kinilala ang suspek na si alyas Randy, 34-anyos, at residente ng Brgy. Caingin sa naturang lungsod.
Base sa paunang imbestigasyon, 3:00 ng hapon ng masukol at maisilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa Brgy. Guinhawa.
Nabatid na una nang inilabas nitong Mayo 9 2025 ni Branch 4, 3rd Judicial Region Family Court Presiding Judge Hon.Francisco Macapagal Beley ang warrant of arrest na may cc.no.1962 hanggang 1967-M-2025 na paglabag sa Qualified Trafficking In Persons, under Section 4(J) in Relation To Section 6, ng RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended sa ilaim ng RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking In Persons Act of 2012.
Samantala, detennido ngayon ang suspek sa Malolos City Jail kung saan walang piyansang inirekominda ang korte para sa kanyang kalayaan.(Thony D. Arcenal)