Advertisers
Naaresto ang lalaking nag-amok at nanaksak nang hanapin ang lalaking ipinagpalit daw sa kaniya ng dating kinakasama sa Quezon City.
Ayon sa ulat, nagtanong at gustong magpasama ng salarin sa biktimang hindi niya kilala para hanapin daw si alyas ‘Pangit.’ Matapos ang pag-uusap, sinaksak ng salarin ang biktima na nagtamo ng galos malapit sa mata.
Isinalaysay ni PCAPT. Febie Madrid, kung paano humantong sa pananaksak ang salarin.
“Nagkataon na napagtanungan n’ya itong biktima at noong sinagot siya ng biktima na hindi niya kilala ‘yung hinahanap nito nainis itong suspek. Naging ugat ng kanilang pagtatalo hanggang nauwi sa pananaksak,” ani Madrid.
Sinubukan pa raw tumakas ng suspek bitbit ang kitchen knife na kaniyang ipinangsaksak sa biktima nguni’t hinabol at kinuyog siya ng mga residente sa lugar.
Napag-alamang dati na raw nakulong ang suspek sa sa reklamong homicide.
Samantala, iginiit din niya na pawang self-defense umano ang nangyari dahil mainit daw ang ulo ng biktima na kaniyang pinagtanungan, bagay na pinabulaanan ng mga awtoridad.
Nasa kustodiya na ng mga awtodidad ang suspek na nahaharap sa reklamong frustrated homicide.