Advertisers

Advertisers

Iskat 3 points!

0 24

Advertisers

Hindi lang sa three point shot mahusay si Scottie Thompson. Pati sa paggawa ng mga anak.

Opo tatlong lalake na mga supling nila ni Jinky.

Pawang sa letrang A nagsisimula kanilang mga pangalan.



Ang panganay na si Aster na dalawang taon na. Sumunod si Austin na nakaisang kaarawan pa lang at ang bagong silang na si Atticus.

Congratulations sa mag-asawa. Malamang masundan pa yan. Umabot kaya sa lima para may first five na sa basketball?



***

Hindi lang pala Lakers ang may dating player sa lahat ng koponan na natitira pa sa playoff round ng NBA.



Opo mayroon din ex Knicks na naglalaro sa tatlong team bukod sa mismong New York.

Sa Pacers ay nandiyan si Obi Toppin na nandoon mula 2020 hanggang 2023. Sa OKC naman ay si Isaiah Harstenstein na Knickerbocker noong 2022-2024. Sa Minnessota may dalawa na former New Yorker na sina Julius Randle (2019’2024) at si Dante Divincenzo (2023-2024).

Namumuro magkampeon sinw Toppin at si Harstenstein dahil kapwa 2-1 mgq kani-kanilang pangkat.

***

Patuloy ang mga miyembro ng PBA Legends sa pag-iikot sa ibayong dagat.

Excited na mga Pinoy sa game nila sa South Korea. Gaganapin ang laban sa Keimyong University, Daegu sa ika- 15 ng Hunyo.

Ilan sa mga kasali ay sina Allan Caidic, Marlou Aquino, Alvin Patrimonio, Bal David at Noli Locsin.

***

Nakaisa rin ang New York sa Indiana kanina kaya 2-1 na rin ang Eastern Conference Finals gaya sa West.

Sa Game 3 ng serye ay ang Knicks naman ang nakahabol sa dulo sa homecourt ng kalabang Pacers. Weird ang seryeng ito.