Advertisers

Advertisers

Illegal recruiter nagtago ng 6 taon, huli

0 18

Advertisers

Nasakote ng Caloocan City Police Station ang isang illegal recruiter sa isinagawang manhunt operation nang matago ng halos anim na taon sa batas, Biyernes ng gabi.

Sa isinumiteng ulat kay Northern Police District Director PBGen. Josefino Ligan, ni police chief PCol. Paul Jady Doles, isang manhunt operation ang ikinasa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at ng Sub-Station 3 ng Caloocan City Police na nagresulta sa pagkaaresto sa 55-anyos na lalaking akusado na tinaguriang Most Wanted Persons, sa krimen na Syndicated Illegal Recruitment sa paglabag sa Section 6 of Republic Act 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act).

Kinilala bilang si alias “Roderick”, naaresto ito sa loob ng Custodial Facility ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) – Warrant and Subpoena Section na matatagpuan sa Samson Road, Barangay 80, Caloocan City na wanted sa batas simula pa noong October 17, 2019 .



Walang piyansang inilagak ang hukuman para sa pansamantala kalayaan ng akuado.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">