Advertisers
MATAPOS ang ginawang rekomendasyon ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon sa pamumuno ni Regional Director Elmer J. Decena, sa natuklasang resulta ng random drug test mula April 11, 15 at 16 sa pitong bus driver at isang konduktor na nagpositibo sa pagamit ng iligal na droga (shabu) nuon “Oplan Biyaheng Ayos Semana Santa 2025” katuwang ang mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agenc (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Agad naman ipinag-utos ni Land Transportation Office Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, na patawan ng parusang Perpetual Disqualification at License Revocation sa kahit anong LTO Drivers at Conductors License ang walong nabanggit na indibidwal na sangkot sa pagamit ng iligal na droga.
Sinabi pa ni Decena, mananatili ang kanilang pagpapaigting ng zero tolerance policy sa pagamit ng ipinagbabawal na gamot sa mga driver at konduktor sa buong Calabarzon, at magpapatuloy ang LTO Calabarzon sa pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies upang matiyak ang pagpapanatili ng road safety at maproteksyonan ang mga mananakay o riding public.(Koi Laura)