Advertisers
ITINUTURING ng Commission on Human Rights (CHR) na makasaysayan ang pagdala ni Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III bilang siya ang kauna-unahang hepe ng pulisya na bumisita sa kanilang opisina.
Pinuri ni CHR Chairperson, Atty. Richard Palpal-latoc, si Torre sa pagdalaw nito at pagbibigay-diin nito sa kahalagahan ng ‘due process’ at pagprotekta sa karapatang pantao sa bawat operasyon ng pulisya.
Dagdag ni Palpal-latoc, ang pakikipag-ugnayan ni Torre sa CHR ay nagpapataas ng kumpiyansa ng publiko sa pulisya at kumikilos hindi lamang ayon sa batas kundi may tunay na malasakit sa karapatang pantao.
Samantala, muling iginiit ni Torre sa publiko na hindi maaabuso ang mga operasyon ng pulisya kasunod ng mga pag-aalala ukol sa umano’y “paramihan ng huli”.
Pinaliwanag ni Torre, ang paggamit ng lethal force ay mananatiling huling opsyon sa lahat ng aksyon ng pulisya.
Naniniwala rin siya na hindi aabusuhin ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan para lamang makahuli ng mas marami. (Almar Danguilan)