Advertisers
Hiniling ng ilang mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang pagbili ng bigas na nagkakahalaga ng P680 milyon na isinagawa ng Ministry of the Interior and Local Government noong 2024.
Sinabi sa ipinadalang sinumpaang salaysay ng mga nagrereklamo sa Office of the Ombudsman -Mindanao, Office of the President, Senado, Office of the Speaker-BARMM at Commission on Audit hiniling ng mga nagrereklamo ang imbestigasyon dito.
Nabatid pa sa mga nagreklamo, na itinago ang mga pangalan upang maprotektahan ang kanilang sarili, ang mga naturang transaksyon na labag umano sa procurement laws, transparency standards, at fiscal responsibility.
Ayon pa sa ulat na lahat diumano ng kontrata para sa biniling bigas, palagi na lang napupunta sa iisang supplier lamang – ang JB Pharma & Trade Center – na isang pharmaceutical distributor at wala namang umanong kakayahang mag-supply ng agricultural products.
Sinabi pa ng mga nagrereklamo na sa isang transaksyon pa lang, nalugi na umano ang gobyerno ng P15 milyon dahil sa pagka award ng kontratra sa JB Pharma samantalang meron naman umanong lowest bidder na lehitimong supplier ng agricultural products.
Ayon pa sa mga complianant na ang nabiling bigas umano lubhang napakamahal sa halagang P60 per kilo samantalang meron P45 na halaga nito sa merkado.
Kaugnay nito pinayagan din diumano ng Ministry of the Interior and Local Government ang pagbili ng naturang bigas noong July 24, 2024 gamit ang 2023 MILG-READI Fund na nagkakahalaga ng P100.325 miyon kahit wala namang deklarasyon ng kalamidad.
Ayon pa sa mga nagreklamo, walang dumating na bigas na gamit ang naturang budget at wala ding umanong isinagawang distribusyon,
Nabatid pa sa ulat na isa din malaking isyu laban sa ministry ang paghahati-hati ng kontrata o contract splitting upang maiwasan ang bidding na labag naman sa batas. (Boy Celario)