Advertisers
LABIS na nadismaya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa K-12 program ng Department of Education (DepEd).
Gaya ng ibang mga mambabatas, sinabi ng Pangulo na ang nasabing K-12 ay isang pabigat lamang sa mga magulang na nagpapaaral sa kanilang mga anak.
Giit pa ng pangulo na bukod sa dagdag na dalawang taon na pag-aaral ay dagdag pa ng gastusin sa bahagi ng mga magulang na bibili ng mga gamit eskuwela.
Wala aniya rin itong advantage dahil sa hindi nakakakuha ng anumang trabaho ang mga nagtatapos ng K-12.
Matatandasang maraming mga senador ang nanawagan na dapat ay tuluyan ng tanggalin ang K-12 program na ipinatupad noong 2013.