Advertisers

Advertisers

Joey Uy diniskuwalipika ng Comelec; Rep. Benny Abante idineklarang panalo

0 23

Advertisers

DINISKUWALIPIKA ng 2nd Division ng Commission on Elections (Comelec) si Manila Representative-elect Luis “Joey” Chua Uy at idineklarang panalo ang reelectionist si Benny Abante, isa sa miembro ng Quad Committee na nag-imbestiga sa katiwalian ng mga Duterte.

Sa desisyon ng Comelec, idineklarang non-candidate si Uy at ang kanyang COC ay “void ab initio”.

Kasabay nito, idineklara ng Comelec si Benny Abante bilang duly elected member ng House of Representatives para sa 6th district ng Maynila.



Ipinabatid ang announcement ng Comelect sa Facebook page nito.

Pinaboran ng 2nd Division ng COMELEC ang petisyon ni Abante Jr. na nagsabing hindi kuwalipikado si Chua Uy na tumakbo bilang kongresista dahil hindi siya natural-born Filipino.



Sa desisyon na inilabas ni Commissioner Rey Bulay, pinaboran ng dalawa pa nitong kasamahan ang pagpapawalang-bisa ng kandidatura ni Chua Uy dahil saklaw ito ng 1935 Constitution kungsaan itinuturing siyang naturalized citizen dahil sa pagkakaroon ng dayuhan na ama na kalaunan ay naging naturalized din na Filipino.

Idineklara rin ng Comelec 2nd Division si Abante bilang nagwaging kongresista ng ika-6 na distrito ng Maynila nitong May elections.



Kaugnay nito, inihayag ng Comelec na maaari pa namang iapela ni Chua Uy sa En Banc ang desisyon.
Magugunitang tinalo ni Uy si Abante noong May 12 elections. Nakakuha si Uy ng 64,746 boto kontra sa 63,358 boto ni Abante. (Jocelyn Domenden)