Advertisers
Nasabat ang P10 bilyong halaga ng shabu ng Philippine Navy sa isang fishing vessel sa karagatan ng Zambales.
Pinamamahalaan umano ng mga dayuhan ang fishing vessel.
Sinabi ng Philippine Navy na naganap ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nahuli ng Philippine Navy sa pamamagitan ng Northern Luzon Naval Command ang 1.5 Tons ng Metamfetamine hydrochloride o Shabu na may tinatayang street value na 10 Billion Pesos sa baybayin ng Zambales 1:30 ng madaling araw.
Samantala, ang mga nasamsam naman ay dadalhin sa naval operating base sa Subic, Zambales para sa tamang dokumentasyon at turnover.(Koi Laura)