Advertisers

Advertisers

Noynoy ang Pinoy!

0 7

Advertisers

Ginuginita natin ngayon ang araw ng pagyao ni dating Pangulo Benigno Simeon Aquino o mas kilala sa bansag na PNoy.

Ang ika-15 presidente natin ay mahilig sa sports. Kilala siyang naglalaro ng shooting, billards at basketball. Pang exercise at recreation pero hindi pang competition.

Noong nasa Malacanang siya ay mga gabinete niya at ang mga taga- PSG ang mga kalaro niya.

Si dating Presidential Adviser Ronald Llamas ay may kwento nang nag pick-up game sila ng anak nina Ninoy at Cory.

“ Minsan nagdrive to the basket si Noynoy at sinalubong ko, hayun bagsak kami pareho at basag ang salamin “ wika ni Llamas.

Nagulat daw ang kuya ni Kris na binatayan siya ng tagapayo. Kasi sana’y na walang depensa ang mga kalaro niyang mga security niya.

Hindi naman daw napikon pero inalaska siya.

Sa bilyar naman ang isang paborito ni Noy ay si Django Bustamente. Sa Aquino Museum sa Hacienda Luisita ay may nakadisplay na memorabilia na galing sa batikang cue artist na regalo sa kanya.

Parehong taga-Tarlac ang dalawa.Sa martial arts ay nagkakarate ang tiyuhin at father figure nina Josh at Bimby.

***

Kung point guard nga noon ang game ni Atty Ogie Narvasa sa Ateneo ay di malayong siya nga nagbigay ng mahalagang payo sa mga tagapagtanggol ni Sara Duterte.

Isa si Narvaaa sa binabayarang abogado ng anak ni Digong. Ang sinunod na istratehiya ay pabagalin o patayin ang kaso sa pamamgitan kawalang ng aksyon o pag-imbento ng kung ano-ano.

Heto analysis nina Peoeng Kirat sa naging kilos ng mga pro- Sara D.

Idribol ang bola nang matagal tapos ibato sa backcourt upang ang katunggali ay hindi na maka-opensa.

Ganyan nga ginawa ng mga maka- VP na senador. Ibinitin ang kaso bago pa simulan. Una hindi binasa ang Articles of Impeachment kahit dumating ito sa Senado ng dalawang oras pa bago mag-adjourn noong Pebrero..

Pangalawa naset na sked na ika-2 ng Hunyo na umpisa ng pagdinig ay iniba. Niliban ng mahigit isang linggo at ilang araw na lang bago mag sine die ang buong Kongreso.

Kahit may “forthwithåll” sa provision ng saligang- batas ay malinaw na pinatagal ang kaso saka isinalang.

Hindi lang iyan ni-remand pa sa HOR ang AoI na wala naman sa rules nila.

Sa basketball kapag ayaw bumuslo ay puro dribble ang gagawin. Patay oras. Uubusin shot at game clock Ilang segundo natitira saka ihahagis naman ang Molten sa kabilang court.

Hayun wala ng pagkakataon ang kalaban.

Gets nyo na?

***

Tunay na bilyonaryo ang bagong may-ari ng LA Lakers. Si Mark Walter ay tinatayang may personal na networth na $12B.

Ang majority owner ng team nina LeBron at Luka ang CEO ng TWG Global at co-founder ng Guggenheim and Partners. Nagkahalaga ng $325B ang investment portfolio nilq.

Ang mga kumpanyang nabanggit ang siya nasa lukod ng LA Dodgers, LA Sparks at Chelsea FC.

Nguni’t di naman palakihang gastos doon kasi mshigpit sa team salary Cup. Ang susi ay malikhaing pamamalakad.