Advertisers
Nasawi ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah- Hassang Group at 2 sugatan sa naganap na engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao Del Sur nitong linggo ng madaling araw.
Kinilala ang dalawang nasawing terorista na sina Tahir Salim Suweb, 41, ng Barangay Baka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; at Benladin Adi Kamid, 23-anyos, ng Macasampen, Guindulungan, Maguindanao del Sur.
Samantala, kinilala ang dalawang sugatan na sina Junjun Kayogen Leosen, 37, Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur; at Rasul Mendoza Kariman, 31, ng Barangay Bagan, Guindulungan, Maguindanao del Sur na nilalapatan ng lunsa sa ospital.
Ayon kay BGen Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry Brigade, 1:120 ng madaling araw nang maka-engkwentro ng mga elemento ng 6th Infantry Battalion, at 33rd Infantry Battalion ang ‘di batid na bilang ng Dawlah Islamiyah–Hassan Group sa Brgy. Libutan, Mamasapano, Maguindanao del Sur.
Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M16A1 rifles, isang caliber .45 pistol, mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive device (IED), isang unexploded ordnance (UXO), iba’t-ibang cellphone, isang Bushnell monocular scope, sirang bipod, kagamitang pangkomunikasyon, at isang female clutch bag na naglalaman ng mga pekeng ID.
Sinabi ni Cuta na ang nasabing grupo ang responsible sa pagpatay sa tatlong negosyanteng nagmula sa Batangas na natagpuang sa Barangay Nabundas, Shariff Saydona Mustapha noong Mayo 30. Ang nasabing rin grupo ang nasa likod ng | pananambang sa mga sundalo sa Datu Hoffer noong Marso ng nakaraang taon, na ikinasawi ng apat na sundalo, (Mark Obleada)