Advertisers
NAGTAMO ng tama ng bala sa kaliwang paa ang 30-anyos na ginang nang barilin ng kanyang mister na sundalo sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo dahil lang sa P2,000 na halaga ng pera sa kanilang tahanan sa Barangay San Pedro, Pagadian City, Zamboanga del Sur, Linggo ng gabi, June 22, 2025.
Kinilala ang biktima na si Rechel Samo Nalzaro, 30 anyos; at ang salaring mister ay si Jemboy Nalzaro, 32, enlisted personnel ng isang Philippine Army unit.
Sa inisyal ng ulat ng Pagadian City Police Office, binaril sa paa si Rechel nang kanyang mister na lasing, dahil ayaw siyang bigyan ng misis ng P2,000 na kanyang hini-hingi.
Ang mister ay kilalalang sugapa sa alak, ayon sa mga kamag-anak ng biktimang nasa isang pagamutan sa Pagadian City.
Agad namang nadisarma-han at kinulong ang sundalo ng mga pulis na nagresponde sa insidente.