Advertisers

Advertisers

Kelot, pinaliguan ng gasolina at sinilaban

0 15

Advertisers

KRITIKAL ang 28-anyos na lalaki nang buhusan ng gasolina at sinindihan sa Taguig City.



Ayon sa mga ulat, nakaupo ang biktima sa eskinita nang dumating ang salarin at biglang binuhusan ng gasolina at sinindihan gamit ang lighter.

“Ito regalo ko sayo,” sambit umano ng salarin sa biktima.

Nagtamo ng third degree burn ang lalaki sa kaniyang iba’t ibang parte ng katawan. Posible umanong selos ang motibo ng salarin.

Isang babae pa ang nadamay sa pagsiklab ng apoy sa eskinita, na noo’y nakaupo lamang din malapit sa puwesto ng biktima. Nagtamo ito ng paso sa kaniyang binti nang kapitan ng apoy sa biglang pagsiklab ng gasolina. Mabuti na lamang daw nakakuha ito ng damit sa kanilang sampayan kaya’t naagapan nito ang pagkalat ng apoy sa kaniyang katawan.

Napag-alamang minsan narin naireklamo ang salarin dahil sa pambubugbog sa kaniyang dating kinakasama.

Patuloy ang manhunt operation ng mga awtoridad sa salarin na kaagad nakalayo sa crime scene.