Advertisers

Advertisers

Maynila, sasailalim sa ‘health state of emergency’ dahil sa basura

0 49

Advertisers

Sasailalim sa public health state of emergency ang buong lungsod ng Maynila sa gitna ng hindi pa nahahakot na tambak at namamahala ng basura sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang unang press conference sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod.

Giit ni Domagoso, malaki ang naging epekto ng basura sa kalusugan ng Manilenyo kaya naman magdedeklara ito ng health state of emergency.



Kaugnay nito, inanunsyo rin ni Domagoso na natanggap ng umaga ng Lunes ang liham mula sa service provider na Metro Waste at PHILECO na kanilang pinuputol ang kanilang kontrata na napagkasunduan ng dating admisnistrasyong Lacuna.

Kaya naman isa aniyang malaking problema ngayon ang kakaharapin ng lungsod dahil sa naiwang tambak na basura kaya nakiusap na rin ito sa dating service provider na Leonel na siyang nagbibigay ng serbisyo ng libre para mahakot lahat ang natitira pang nagkalat na basura sa kalsada.



Inihayag ni Domagoso na umabot na sa P950 milyon ang bayad sa basura sa tatlong contractor.

‘Talagang sasabog ang Maynila — sa baho, sa eyesore, at higit sa lahat ang panganib na dulot sa kalusugan’, pahayag ng alkalde.



Kaya naman aniya sa unang session ng Konseho sa July 1 hihilingin ng alkalde na ideklara ang state of health emergency sa buong Maynila,

Target ng bagong pamunuan na agarang makolekta ang mga basura sa Maynila sa tulong na rin ng Leonel Waste Management at ng Metro Manila Development Authority.

Pagkatapos ng press conference ni Domagoso, agad din itong umikot sa buong lungsod upang makita ang sitwasyon sa kalsada kung saan nagkalat ang mga basura.(Jocelyn Domenden)