Advertisers

Advertisers

Masahista ‘di pumayag sa ‘extra service’, kinatay at ibinaon sa lupa

0 45

Advertisers

Walang kawala sa intel operatives ng Norzagaray pulis ang isang lalaki na responsable sa karumal-dumal na pagpatay sa isang babae na on call masahista mula sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director PCol. Angel Garcillano mula kay Lt. Col. Ismael Gauna, kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Tano, 27-anyos, tubong Bacolod, trabahador sa farm ng panabong na Manok sa kahabaan ng Kaypiskal Road Brgy, Tigbe Norzagaray habang ang biktima naman nakilalang si alyas Bessy, on call masahista ng Brgy. San Martin-ll sa lungsod ng San Jose del Monte.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad 8:00 ng gabi noong Hunyo 27 nang madakip si alyas Tano” via hot pursuit operation sa Brgy. District lV sa bayan ng Lemery sa Batangas.



Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, pinapunta umano ng suspek ang biktima 8:30 ng gabi noong Hunyo 26 sa tinutuluyan nitong kubo, para magpamasahe na noo’y nasa impluwensya umano ng alcohol o (lasing).

Ayon sa suspek, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananampal at pananabunot ng biktima kay alyas Tano, dahil kulang ang ibinayad nito sa kanyang trabaho, na dapat sana’y P2,500 pero P2000 lamang ang ibinigay, katwiran ng suspek hindi daw siya nasiyahan sa ibinigay nitong serbisyo at ayaw pumayag sa ‘extra service’ ng biktima.



Gayunman positibong inamin ng suspek, na pinalo niya ng bato ang likod na bahagi ng ulo ng biktima, dahil malakas ang masahista sinaksak pa ito ng suspek, at dahil gumagalaw pa muli itong hinataw ng bareta sa noo, dahilan para mabasag ang bungo nito.

Matapos ito’y sinunog ng suspek ang mahahalagang gamit ng biktima, bago ibinaon sa likurang bahagi ng kubo, madaling araw ng Hunyo 27, upang itago ang krimen,



Bagama’t nadinig ng dalawang saksi, ang pag-aaway ng suspek at biktima, una ng inakala nila na may ugnayan ang dalawa kaya hindi nila ito pinansin, pero nakita nila ang pagsunog sa gamit ng masahista.

Dahil sa takot dali-daling tinawag ng mga saksi ang nag-roroda na pulis sa lugar, dito na nakumpirma na katawan nga ng babae ang ibinaon sa lupa.

Samantala na recover mula sa suspek ang ninakaw na iphone ng biktima, at maging ang Pala at bareta na ginamit sa pagpatay at pagbabaon sa lupa sa masahista.

Detenido na ang suspek sa Norzagaray Municipal Jail sa kasong Murder.(Thony D. Arcenal)