Advertisers

Advertisers

POLICE TIMBOG SA RECRUITMENT SCAM

0 22

Advertisers

Naaresto ang isang police corporaldahil sa pagkakasangkot sa recruitment scam sa Bocaue, Bulacan, ayon sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).

Ayon sa IMEG nitong Martes, nahuli ang suspek noong Hunyo 16 sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 112 sa Pasay City.

Nagpapanggap umano ang suspek at ang kanyang mga kasabwat na mga recruiter mula sa isang international placement agency.



Dalawang biktima ang pinangakuan ng mataas na sahod sa ibang bansa at siningil ng higit P100,000 bawat isa para sa placement fees, visa, at pamasahe.

Pero sa halip na maipadala sa ibang bansa, napilitang magtrabaho ang mga biktima sa isang massage parlor sa Pasay City, kung saan sila ay tinakot at pinilit magbigay ng sexual services.



Nahaharap ang suspek sa kasong kaugnay ng Anti-Trafficking in Persons Act at Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, dagdag pa ng IMEG.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">