Advertisers
INAASAHAN na magtatakda na rin ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price para sa manok sa Setyembre.
Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ipapatupad nila ito pagkatapos ng MSRP sa imported na baboy sa Agosto.
Ayon kay de Mesa, layon nito na maibsan ang epekto ng kakulangan sa suplay ng karne.
Siniguro rin ni De Mesa na posibleng bumaba ang retail price ng manok matapos alisin ang temporary ban sa importasyon ng manok sa Brazil.