Advertisers

Advertisers

V for Virata!

0 16

Advertisers

Victory para kay Steven Virata at ang kanyang pinamunuan na Equestrian Association of the Philippines.

Yan ang napag-usapan ng lider ng NSA sa OKS@DWBL nang maging panauhin natin siya noong isang Lunes.

Una hangarin ay mapalawak pa ang kanilang sport sa bansa. Pati mabura ang image nilang pang elitista lang ang kanilang laro.

Pangalawa manalo ang kanilang mga atleta sa SEA Games sa Thailand sa Disyembre.

“Maaari maging popular ito sa mga lugar na ginagamit ang kabayo sa hanapbuhay o pang-araw-araw na gawain, “ wika ng anak ng dating Prime Minister Cesar Virata.

“Halimbawa ay sa Masbate na maraming mga cowboy na nagpapastol ng mga baka, “ dugtong ng Pangulo ng EAP.

Doon nga naman sa probinsyang nabanggit ay may rodeo festival na tampok ang mga nag-eexhibition ng nakasakay sa kabayo.

Pagdating naman sa SEA Games ay inaasahan sila na magwagi ng ginto. O kaya ay pilak at tango ang mga ipadadala nila.

Malaki ang tsansa ni Toni Leviste na makasungkit ng unang puwesto sa kanyang event na sasalihan. Pambato rin natin sina Joker Arroyo, Mateo at Paula Lorenzo.

Noong 2002 Asian Games sa Busan ay nakamit ni Mikee Cojuangco ang gold sa show jumping.

Maganda ang mga hangarin at mga plano ni Virata at kanyang asosasyon kaya hangad natin ang kanilang tagumpay.

***

Buhay pa ang grandslam dream ng TNT sa PBA.

Noong Linggo ng gabi ay naipanalo nila ang Game 6 sa semis kontra ROS.

Pinahirapan sila ng Elastopainters bago bumitaw noong 4th quarter. Hayun 4-2 sila.

Ngayon hinihintay na lang nila ang katunggali sa Finals. Serbesa ba o ginebra?

Kung malagpasan nila ito ay makakamit na nila ang matagal ng inaasam na tatlong titulo sa iisang season.

***

Vintage LA Tenorio ang nagpa-W sa Barangay Ginebra sa kanilang laban vs sister team na SMB sa kanilang serye para paabutin sa Game 7 ang semis. Nagpakawala ng tres si Tenyente mula sa pasa ni Scottie Thompson ilang segundo na lang upang mahigitan ang Beermen ng isa.

Eka ni Tata Selo ay hindi pa talaga laos si Tenorio.

Tingnan natin bukas kung sila sasagupa sa Tropang 5G para sa kampeonato ng Philippine Cup.