Advertisers

Advertisers

Anjo binisto ang rason kaya ‘di natuloy amg kasal kay Sheryl

0 18

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

DAHIL naunahan ng takot sa tito ni Sheryl Cruz, ang namayapang action star na si Fernandro Poe Jr., kaya hindi itinuloy ni Anjo Yllana na pakasalan ang aktres.

Ayon kay Anjo, na-shock siya nang mapanood ang guesting ni Sheryl sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan naikuwento nito ang tungkol sa naudlot nilang kasal dahil bigla na lang daw siyang nawala.

“Kaya nga noong nag-guest siya rito, nahulog ako sa upuan ko, kasi sinabi niya ‘yung totoo, ‘yung kasal na hindi natuloy,” sabi ni Anjo sa panayam sa kanya ng Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa panggo-ghost niya kay Sheryl.

Kuwento pa ng komedyante sa pagpapakasal sana nila noon ni Sheryl, “Niyaya ko na siyang magpakasal noon. Then I broke up because natakot ako doon sa tito niya, si FPJ. I had to talk to him daw, bago kami magkatuluyan.

“So nagkaroon ako ng cold feet. Sabi ko, ‘Baka bugbugin ako.’ Ganu’n ‘yung isip ko noon kasi bata pa ako eh, first time ko magpapakasal.

“Sabi ko, ‘Takot ako.’Iyon nga ‘yung sinabi niya noong hinulog niya ‘yung bomba ng interview. Totoo ‘yun, na bigla na lang akong nawala kasi ‘yun ang rason.

“Parang hindi ko pa yata kaya. Parang nabibigla lang ako du’n sa sinabi kong ‘Tara pakasal na tayo,’” aniya pa.

Kasunod nito, muli silang nagkasama sa isang acting project after 10 years. Hinding-hindi raw makakalimutan ni Anjo ang intense na eksena nila ni Sheryl.

Pag-alala ni Anjo, napalakas daw ang sampal sa kanya ni Sheryl nang kunan na ang naturang eksena.

“Noong first time kaming magkita, this was 10 years after the breakup, and she has a kid na, parang 10 years old na rin siguro.

“First time naming magkita sa eksena, so akala ko, lahat ng nangyari, tapos na ‘yun. May eksena na sasampalin ako, pagsampal sa akin, ang lakas. Kasi nilabas niya ‘yung galit niya ng sampung taon,” natatawang kwento pa ni Anjo.

“Sabi ko, ‘Galit ka ba?’ Sabi nu’ng director, take 2. So akala ko, hihinaan na niya, nilabas na niya. Noong take 2, kasing lakas pa rin,” dugtong ni Anjo.

“So, kinausap ko, ‘May problema ba tayo? Sabihin mo lang.’ Pabiro, ‘Kasi nararamdaman ko, parang may hinanakit ka pa sa akin ‘yung sa nangyari dati.’ Sabi niya, ‘Oo naman.’

“Tapos ‘yun naiintindihan ko na, ooops! Parang meron akong iniwan dati na talagang hindi maganda sa kaniya, hindi maganda doon sa relasyon.

“Kasi all the relationships I had, ang tingin ko roon laro-laro lang. ‘Pag seryoso kayo, wala namang nangyari. So ‘yun tinamaan ako roon, nagbalikan kami. Sabi ko, ‘Sige try natin kasi i-continue natin ‘yung hinanakit mo dati.”

Pero after a while ay nag-break din sila, “Because she found out that I was still living with my kids. At isang bubong lang kami ng mama ng kids. So naiintindihan ko naman ‘yun.

“Kasi sinabi ko naman sa kanya, we’re not talking, I’m just there because nag-break kami, nandu’n ako, eh. Ayokong iwanan ‘yung mga bata, gusto ko pa rin sila makasama. Hindi niya naiintindihan ‘yun,” esplika pa ni Anjo.

Nagbitiw pa ng joke si Anjo, “So malamang may part 3 ‘to.” Pero mangyayari lang yan kung single si Sheryl.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Anjo kay Sheryl, “Seriously, if you are happy right now, I’m very happy for you. Alam ko marami kang pinagdaanan din.

“Kaya sana, ito na, naririnig ko kung totoo, sana maging happy ka lang. Masaya na ako, basta happy ka.”

***

DUMALAW si Mark Herras sa huling gabi ng burol ng dati niyang manager na si Lolit Solis bago ito i-cremate. At marami ang natuwa sa naging effort na ito ng aktor. At least daw, kahit may tampo siya kay Manay Lolit ay nagawa pa rin niyang magbigay ng last respect dito.

Matatandaan na isinawalat ni Manay Lolit na nangutang sa kanya before si Mark ng 30thousand at hindi pa nababayaran. Pero ayon kay Mark, binayaran niya na. Ito ang naging sanhi ng tampo ni Mark kay Manayt Lolit.

Pero kung marami ang natuwa sa pagpunta sa burol ni Mark, marami rin ang hindi.

Sana raw, nung naka-confine pa sa hostpital si Manay Lolit ay nagawa na siyang bisitahin ni Mark, hindi yung kung kelan patay na ito.

Kung ganoon daw ang ginawa ni Mark ay mararamdaman at makikita niya na na-appreciate siya ng dating manager.