Advertisers
IGINIIT ng Malakanyang na hindi pa sarado ang kaso ng pagkapaslang sa flight attendant na si Christine Dacera.
Pahayag ito ng Malakanyang matapos na sabihin ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na case closed na ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa ito maituturing na case closed dahil mayroon pang hinihinging ebidensya ang piskal.
Sinisigurado ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ng pamilya Dacera ang hustisya.
Dagdag pa ni Roque, hindi hahayaan ng Pangulo na hindi mapaparusahan ang mga kriminal lalo na’t siya’y abogado at dati na rin naging piskal. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)