Advertisers

Advertisers

PNP-CIDG may leads na sa kaso ng missing sabungeros

0 40

Advertisers

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III, na mayroon nang sinusundan na leads ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para matiyak na makakamit ang hustisya sa kaso ng mga nawawalang sabungero sa lalong madaling panahon.

Ayon kay CIDG Director, Brigadier Gen. Romeo Macapaz, hindi man sigurado kung kailan malulutas ang kaso, magpapatuloy ang kanilang pangangalap ng mga impormasyon na magiging mala-king tulong para mabigyang linaw ang kaso.

Matapos na sunod-sunod na dumulog sa kanilang himpilan ang mga naiwang kamag-anak ng mga biktima, hindi sila magiging padalos-dalos sa imbestigasyon upang matiyak na masisilip ang lahat ng impormasyon para sa mas mabilis na pagresolba sa kaso.



Hindi na muna nagbigay ng iba pang impormasyon ang hepe ng yunit para hindi rin aniya masayang ang kanilang pinaghirapan sa pagkalap ng mga impormasyon na makakatulong sa pag-usad ng naturang kaso.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang kanilang hanay na kumalap ng mga matitibay pang ebidensya nang hindi lamang nakabase sa mga salaysay at testimoniya ni alyas Julie Patidongan alyas “Totoy”.



Samantala, sa ikatlong araw ng retrieval operations sa Taal Lake, sa pangunguna ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa limang sako na ang narekober sa magkakaibang araw.(Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">