Advertisers
NASAWI ang tatlo katao nang mawalan ng kontrol ang takbo ng isang sport utility vehicle (SUV) dahilan para mabangga ang isang lalaking nasa tabi lang ng kalsada saka tuluy-tuloy na sumalpok sa isang bahay sa may national highway ng Barangay San Isidro, Sorsogon.
Dead-on-arrival sa Castilla District Hospital dahil sa matinding sugat ang mga biktima na kinilala lang sa mga pangalang Jose, 55 anyos, may-asawa, na nasalpok habang nasa tabi ng highway; at ang mag-live-in partner na kapwa natutulog nang mabangga ang kanilang bahay na sina Anjo, 21; at Liz-ann, 20.
Sugatan ang kanilang anak na si Zenie, 2.
Sa ulat, 3:50 ng umaga mula Metro Manila, mabilis na binabagtas ng Mitsubishi Expander (TR960A) na minamaneho ni Jestoni, 34, ng Brgy. Maltana, Tampakan, South Cotabato, ang kahabaan ng highway patungong South Cotabato lulan ang dalawa pang kaanak. Pagdating sa naturang lugar nawalan ng kontrol ang sasakyan, lumihis ng takbo at nabangga si Jose na nakatayo sa gilid ng kalsada, at sumalpok sa bahay kungsaan natutulog ang mag-anak na Anjo, Liz-ann at Zenie.
Wala namang tinamong sugat ang driver ng SUV, na hawak na ng mga pulis, at ang kanyang mga pasahero.