CHINESE NA BABAENG PEKENG PINOY, DINAKIP NG NBI AT BI SA NAIA 3
Advertisers
INARESTO ng magkasanib na puwersa ng National Bureau of Immigration (NBI) sa ilalim ni Director Jimmy Santiago at Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese na nagpapanggap umanong Filipino.
Dinakip nitong July 13 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 si Wang Xiujun, 43, na gumagamit umano ng alyas na Cassia Palma Poliquit.
Bago niyan ay na-monitor na umano ang kanyang mg paglalakbay ng NBI, na siyang nagbigay ng impormasyon sa BI ukol sa kanyang kahina-hinalang identity.
Ayon kay Santiago, ang NBI dactyloscopy cross examination ng records ay nagbunyag na si Poliquit ay may parehong fingerprint records kay Wang,kaya’t kumpirmadong sila ay iisa lamang.
Si Wang ay dumating lulan ng Air Asia flight sa Maynila, miula Kuala Lumpur at agad na dinakip ng BI border control and intelligence unit (BCIU) bago siya dinala sa BI warden’s facility bago ang deportation proceedings.
Ayon sa impormasyong nakalap ng BI intelligence division sa pamumuno ni Fortunato ‘Jun’ Manahan, Jr., si Wang ay sangkot umano sa mga pagbebenta at pagpapakalat ng mga electric vehicles sa Metro Manila habang gamit ang ‘fraudulently-acquired Filipino identity.’
May Philippine passport at birth certificate din umano ito na nakuha sa pamamagitan nglate registration sa kabila ng pagiging Chinese national na mayroon lamang investor’s visa, ayon kay Manahan.
Inihayag ni BI spokesperson Dana Sandoval ang pasasalamat ng BI kay NBI Director Santiago dahil sa mabilis na aksyon at ugnayan na nagbunga ng pagkakadakip kay Wang. (JERRY S. TAN)