Advertisers
Naaresto ang dalawang smuggler sa isang buy-bust operation sa Trece Martires City, Cavite at nasamsam ang P28 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo.
Sa ulat nitong Martes, sinabi ng Police Regional Office 4A na nahuli ng mga awtoridad ang dalawang suspek nang magbenta ng P140,000 na halaga ng smuggled na sigarilyo sa Brgy. Hugo Per.
Nakumpiska naman ng mga awtoridad ang 800 na master case ng iba’t-ibang tatak ng mga ipinagbabawal at smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P28 milyon.
Samantala, sinabi ng mga awtoridad na patuloy pa ang karagdagang imbestigasyon kaugnay rito.
Kasalukuyang nakakulong na ang mga suspek.(Koi Laura)