Advertisers
BALAK ni retired Police General Jonnel Estomo na magsampa ng reklamo laban sa whistleblower na si Julie Patidongan alyas Totoy na nagdadawit sa kaniya sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa isang statement, sinabi ni Estomo na inihahanda na ng kaniyang mga abogado ang kaukulang kaso laban kay Patidongan kaugnay sa aniya’y malisyoso at walang batayang mga paratang laban sa kaniya.
Naniniwala rin si Estomo na mananaig ang katotohanan.
Nauna na ngang itinanggi ni Estomo ang pagkakasangkot niya sa pagkawala ng mga sabungero matapos na pangalanan siya ni alyas Totoy kasama ang 17 iba pang pulis na dawit umano sa kaso.
Ayon kay Estomo, magprepresenta siya ng ebidensiya para linisin ang kanyang pangalan.