Advertisers
IPINAUUBAYA na ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Department of Justice (DOJ) ang pagbigay o paglabas ng update sa nagpapatuloy na search and restrieval operatioms sa Taal Lake kaugnay sa mga nawawalang sabungero.
Paliwanag ni CG Lt. Dawn Baterbonia, PIO ng CGD Southern Tagalog, ito ay salig sa guidance ng DOJ, kasabay nito ang paghingi ng pang-unawa ng opisyal sa media.
Sa naturang direktiba, ang DOJ ang tanging ahensiya na puwedeng maglabas ng anumang impormasyon o mater-yales na may kinalaman sa nagpapatuloy na recovery operations.
Una rito, natanong ang PCG sa kung ano ang laman ng nakitang malaking plastic bag at bakit hindi ito na-retrieve
Nasabi rin ni Baterbonia na sinubukan rin ng ROV o remotely operated vehicle sa lalim na puwedeng panatilihin upang hindi magambala ang putik sa ilalim ng lawa at maiwasang maapektuhan ang visibility o nakikita sa ilalim.
Samantala, mayroon pang bagong nakuha nitong Huwebes ang PCG subalit walang gustong magsalita hinggil dito.(Jocelyn Domenden)