Advertisers

Advertisers

Mayor: Isda sa Taal ligtas kainin; boodle fight isinagawa

0 17

Advertisers

NAGSAGAWA ng boodle fight ang lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas nitong Miyerkules upang ipakitang ligtas parin kainin ang isda mula sa Lawa ng Taal sa kabila ng nagpapatuloy na paghahanap sa nawawalang mga sabungero.

Pinagsaluhan nina Mayor Lyndon Bruce at mga opisyal ang inihaw na bangus at tilapia mula sa lawa.

“Ito yung bangus na galing sa Lawa ng Taal, at ito naman ang tilapia—napakasarap at sariwang-sariwa,” sabi ni Bruce.



Aminado ang alkalde na bumagsak ang demand sa isda mula Taal simula nang magsimula ang pagsisid sa missing sabungeros sa lawa, na nagdulot ng malaking pagkalugi sa mga mangi-ngisda.

Pitong araw nang nagpa-patuloy ang search operation kungsaan limang sako na ang narekober mula sa lawa gamit ang divers at remotely operated vehicle.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">