Advertisers
Ni Archie Liao
VIRAL ang isang clip na naibahagi ni Jodi Sta. Maria sa kanyang Instagram account.
Sa video, makikitang binisita niya ang Philippine Carabao Center, isang attached agency ng Department of Agriculture na matatagpuan sa Muñoz, Nueva Ecija
Nandoon ang aktres para mag-share ng kaalaman tungkol sa breeding at cross-breeding ng mga kalabaw.
“Met the cutest baby carabaos at the Philippine Carabao Center. My heart melted. Gusto kong iuwi. Kahit makulit sila. Pwede kaya?” sey pa ng aktres.
Habang kinukunan ng crew sa shoot, napasigaw naman si Jodi.
Pinagtripan kasi siya ng isang baby carabao nang ngatngatin nito ang dulo ng suot niyang protective gown.
Marami naman ang naaliw sa nasabing video hinggil sa unguarded moments ni Jodi kapiling ang mga kalabaw.
Kinabiliban din ng netizens ang makabuluhang pagbabahagi ng aktres ng kaalaman tungkol sa kalikasan ng mga kalabaw.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Ang cute naman ng bonding nila.”
“Sobrang naaliw ako sa panonood.”
“Ibang klase talaga iyong baby carabao, nginatngat iyong protective gown ni Jodi. hahaha.”
“Ang lakas ng aliw factor ng panonood ng videos ni Jodi. Ang dami mong natututunan.”
“Ang animals, alam nila ang mga tao na mababait at may puso sa mga kagaya nila.”
“At least, isa siya sa mga artista na ginagamit ang kanyang clout para makapagbigay ng positive influence.”
“Ngayon ko lang nalaman na meron palang carabao center sa Pinas. Thanks Jodi for enlightening us and sharing us your experience.”
“Very educational and entertaining.”
“Grabe ang aliw factor.”
“Ikaw na ang lodi ko, Jodi.”