Advertisers

Advertisers

BASTE DINAMAY MGA POLITIKO AT SI PBBM NANG TANGGAPIN NI TORRE ANG HAMONG SUNTUKAN!

0 26

Advertisers

MATAPOS maghamon ng suntukan at tanggapin ang kanyang hamon ng hinahamon, nagsalita si Davao City acting Mayor Baste Duterte sa ikinakasang “boxing match” sa pagitan nila ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III.

Sa isang video message na naka-upload sa “CM Baste Duterte” Facebook page, sinabi niyang: “Huwag kang mag-alala Torre. Kasi matagal ko na talagang gustong makabugbog ng unggoy.”

“Kung gusto mo talaga ng suntukan, bakit kailangan mo pa ng charity-charity? Why do you need a… kailangan mo pang gamitin ‘yang nangyayari ngayon na baha diyan sa Metro Manila? If you are really serious about this, kung gusto mo ‘yang charity na ‘yan, let me lay my own conditions for the event, kung serious ka talaga, ha?”

Inilatag ni Duterte ang kaniyang mga kondisyon na: “Pakiusapan mo ‘yang amo mong presidente na lahat ng elected officials ng gobyerno dadaan sa “hair follicle test” upang matiyak kung guma-gamit ng ipinagbabawal na gamot.

Wala pang reaksiyon ang kampo ni Torre tungkol sa mga kondisyon ni Duterte.

Pero ang netizens ay pinagtawanan si Baste sa kanyang naging kondisyon. Dahil nga siya ang naghamon ng suntukan, siya pa ang nag-set ng kondisyon nang tanggapin ni Torre ang kanyang hamon.

Drawing lang anila si Baste. Duwag, bunganga at tattoo lang ang astig ng batang Duterte.

Sabi ng netizens, kaya nagdahilan si Baste na ‘di matuloy ang hamon niya kay Torre ay dahil nalaman ni-yang miembro pala ng PNPA Boxing Squad ang 55-anyos na PNP Chief.