Advertisers
PUMASA sa Shari’ah Special Bar Examinations ngayong taon ang nasa 154 examinees mula sa kabuuang 628.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Antonio Kho, katumbas ito ng 24.48 percent ng kabuuang mga kumuha ng pagsusulit.
Isinagawa sa apat local testing centers ang Special Bar Exams
partikular sa University of the Philippines Diliman, Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, Ateneo de Davao University at Ateneo de Zamboanga University noong May 25 at May 28 .
Nagpaabot naman ng pagbati si Justice Kho na siyang nagsilbing Chairperson sa 2025 Shari’ah Bar Exams sa lahat ng mga nakapasa. (Jocelyn Domenden)