Advertisers

Advertisers

BOC: 9 tauhan sa NAIA sinibak sa extortion; 24-oras na pag-uulat ng reklamo ipinatupad

0 27

Advertisers

SIYAM na tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang sinibak dahil sa pangongotong sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 2025.

Sinabi ni BOC, Commissioner Ariel Nepomuceno, na mayroong zero tolerance policy ang BOC sa ganitong mga paglabag.

Upang mapabuti ang pananagutan, nagpatupad ang BOC ng bagong patakaran na nanga-ngailangan na ang lahat ng pormal na reklamo laban sa mga tauhan ay iulat sa tanggapan ng Komisyoner sa loob ng 24 oras, at ang mga unang natuklasan ay dapat maibigay sa loob ng 48 oras.



Ang hindi pagsunod ay magdudulot ng aksyong disiplina.

Nakatuon ang BOC sa pagpapalakas ng mga panloob na kontrol at pagtugis sa mga pangmatagalang reporma. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">