Advertisers

Advertisers

SC: UNCONSTITUTIONAL ANG IMPEACHMENT VS VP SARA

0 14

Advertisers

UNCONSTITUTIONAL ang impeachment complaint laban Vice President Sara Duterte, ayon sa desisyon na inilabas ng Korte Suprema nitong Biyernes ng hapon.

Ipinaliwanag ni SC spokesperson Camille Ting na ang pangunahing dahilan ang paglabag sa “one-year rule” ng Saligang Batas, na nagbabawal sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa isang opisyal nang higit sa isang taon matapos ang kanyang pag-upo.

Bagamat isinampa ang kaso noong Disyembre 2024, ang mga alegasyon ay nagsimula pa ng 2023, kaya’t hindi na ito sakop ng nasabing batas.



Isa rin sa binanggit ng Korte ang kahalagahan ng due process, na sinabing nilabag din ng mabilisang pagpapasa ng impeachment complaint, dahilan kaya hindi nabigyan ng sapat na panahon si VP Sara para pag-aralan at sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Mahalaga ring tandaan na tatlong impeachment complaints ang nauna bago ang ikaapat na ipinasa ng Kamara.



Ayon sa SC, ang mga nauna ay hindi itinuturing na “initiated complaints” dahil hindi umabot sa Committee on Justice.

Nangangahulugan na ang ikaapat na reklamo lamang ang dapat na ipinagbatayan para sa impeachment.



Nagdulot ang desisyon ng magkasalungat na reaksyon: inakusahan ng Kamara ang SC ng paglabag sa separation of powers, samantalang ipinagpaliban ng Senado ang impeachment trial.

Ang desisyon ay may malaking epekto sa pulitika, lalo na sa posibleng pagtakbo ni VP Duterte bilang pangulo sa 2028.

Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi parin siya “malaya” sa mga paratang at maaaring harapin parin ang mga legal na hakbang sa hinaharap. (Jocelyn Domenden)