Advertisers
SINEMENTO ni Filipino cue artist Carlo Biado ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng billiards matapos mabawi ang World Pool Championship title, naging unang Filipino na napanalunan ang titulo ng dalawang beses.
Naungusan ni Biado ang defending champion Fedor Gorst, 15-13, sa nakakasakal na final Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila)sa Jeddah, Saudi Arabia.
Sa kabila ng pagsasayang sa 9-2 at naging 13-9 lead, ay kinabahan si Biado down the strech para ilaglag si Gorst sa walang humpay na pagbabalik at makakuha ng puwesto sa sport’s elite ranks.
Ang panalo ang bumasag sa walong taon na tagtuyot ng Pilipinas sa World Pool Championship, na huling iniwan mismo ni Biado noong 2017.
Makakasama na ni Biado ang mga bantog na pangalan tulad nina Efren “Bata” Reyes (1999), Ronnie Alcano (2006), at Francisco “Django” Bustamante (2010) sa elite circle ng Filipino champions.
Babalik si Biado sa Pilipinas para makasama ang kanyang pamilya.
Mag-uuwi ang 41-year-old Biado ng $250,000 katumbas ng (P14.29 million) premyo.