Advertisers

Advertisers

Kathryn binigyan ng malaking TV ang PGT 7 Champ

0 18

Advertisers

 

Ni ROMMEL PLACENTE

NAKATUTUWA naman si Kathryn Bernardo. Binigyan niya kasi ng malaking TV set si Pilipinas Got Talent Season 7 Grand Champion Cardong Trumpo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Shookt nga si Mang Cardo dahil kahit nga raw bagyong-bagyo at bumabaha ay ipina-deliver pa rin ni Kathyn sa bahay nila sa Dasmarinas, Cavite ang regalong TV.

Buong akala kasi ni Mang Cardo ay last treat na sa kanya nI Kathryn ‘yung pa-grocery sa kanya nito, ilang araw matapos ang grand finals ng ‘Pilipinas Got Talent’ Season 7 kaya nagulat siya nang matanggap ang TV na ipina-deliver ng award-winning actress sa kanilang bahay.

Siguro, sobrang natuwa lang si Kathryn at humanga sa pagiging talented ni Mang Cardo sa paglalaro ng trumpo sa iba’t ibang style, kaya pinag-groery at binili niya ito ng malaking TV.

Pero sa kabilang banda, sadyang matulungin talaga si Kathryn. Marami siyang tinutulungan na hihdi niya lang ipinagsasabi/ipinamamalita. Na hindi gaya ng ibang artista, na kapag tumutulong ay ipinagsasabi at ‘yung iba, ang gusto ay may kamera pang nakatutok sa kanila. Ayaw ko na lang mag-mention kung sino-sino ang mga artistang ‘yun.

***

ROZZ DANIELS MAGPOPOKUS SA SINGING CAREER KAYA NASA PINAS

NASA ‘Pinas ngayon ang Pop Rock Diva na sI Rozz Daniels. Dumating siya sa bansa noong March 21,2025 kasama ang mister na si David.

Wala na silang balak na bumalik ng America. Nagdesisyon silang mag-asawa na rito na sa atin mag-stay for good.

Ayon kay Rozz, si David mismo ang may gusto na sa ‘Pinas na sila permamenteng manirahan.

“Unang-una, alam niya na may career ako rito na dapat tapusin. Also, siyempre, para maging malapit ako sa kapatid ko, wala na kasi ang mama namin. Nasa akin na siya ngayon nakatira, sa Laguna,”kwento ni Rozz nang nakagtsikahan namin.

Naiwan sa America ang mga anak nina Rozz at David, na may sari-sarili nang trabaho. Naiintindihan naman daw ng mga ito ang naging desisyon niya na sa ‘Pinas na nga manirahan.

“‘Yung bunso ko, may anak na. So, I have 11 years old na grand son.

“Alam naman kasi nila, na bumabalik ako rito para lang kumanta. So gusto nila, i-push ko na talaga yung career ko rito.”

Kung mananatili pa raw sa America si Rozz, hindi talaga siya makakapag-focus sa kanyang singing career.

“Kapag umuuwi kasi ako rito, 4 to 5 weeks lang ang itinatagal ko, tapos babalik na ako ng America. ‘Pag magri-record ako, napuputol lang, hindi ko natatapos,”

Samantala, busy ngayon si Rozz sa pagri-record ng kanyang Christmas album, na ang lahat ng songs ay pawang original, na mula sa komposisyon ni Mon del Rosario. Sa November na ito ire-release.

May ni-revive na kanta si Rozz ‘yung Bulong ng Damdamin, na pinasikat noon ni Marissa, at mula rin sa komposisyon ni Mon del Rosario.

“Maraming pinadalang kanta sa akin si Doc Mon. Pero nagdalawang-isip ako na i-revive ‘yung I Love You Boy, at SomewherE In My Past,.sabi kasi sa akin ni Miss Bless (Cirera-entertinment editor ng Polics Files Tonite at publicist ni Rozz) may nag-revive na ng mga ‘yun.

“Kaya itong Bulong ng Damdamin na lang ang pinili ko. Sabi kasi sa akin ni Doc Mon, bagay ‘yun sa boses ko. At wala pang nagre-revive nu’n. Narinig ko na yung kantang yun, maganda siya,”

Idol ni Rozz si Martin Nievera. Kaya nang magkaroon ng concert si Marco Sison noong Friday na ginanap sa Solaire, na isa si Martin sa special guest, ay nanood siya.

O di ba, guest lang naman du’n si Martin pero nanood pa rin si Rozz? Makita lang mag-perform kahit sandali ang kanyang paboritong singer.