Advertisers

Advertisers

Anne kinabog ni Jennylyn, mukhang ate ni Joshua

0 15

Advertisers

Ni Archie Liao

INIINTRIGA ng kibitzers ang resulta ng ratings ng episode ng magkatapat na serye ng ABS-CBN at GMA-7 base sa inilabas na datos ng isang global leader in audience measurements for TV ratings.

Sa mga seryeng pinagbibidahan nina Anne Curtis at Jennylyn Mercado, nakakuha kasi ang action series ng JenDen ng 8.5% na rating in terms of audience share.
Ang kakumpentensiya naman nitong TV series na adaptation ng isang top rating Koreanovela na nagtatampok kina Anne Curtis at Joshua Garcia ay nakakopo ng 6.3% in terms of audience share.

Dahil dito, iniisyu ng mga nagmamahadera na kaya raw ganoon ang resulta ay dahil wrong project para sa “It’s Showtime”host ang nasabing series.

May mga nag-oopinyon namang may kinalaman ito sa di swak na chemistry ng dalawang bida.

Ito ang ilan sa mga hirit ng mga katkatera at sawsawera.

“Expected ko na. Kakabugin ni Jennylyn si Anne dahil di bagay kay Anita ang role niya sa IOTNBO.”

“Parang wrong project for Anne.”

“Medyo nasasayangan lang ako sa project ni Anne kasi gusto talaga niyang gumawa uli ng series na adapted sa Koreanovela.”

“Obvious na mismatch.”

“Mas exciting kasi panoorin iyong serye ng JenDen dahil real life couple sila.”

“Pero isa din I think na reason is yung taste ngayon ng mga Pinoy ay “police story”? Di ba, well received ng viewers iyong “Incognito.”

“yung mga main characters kasi mukang mag ate ??”

“Totoo. chemistry tlaga is make or break”

“Wala talaga akong maramdamang chemistry kina Anne at Joshua. Pero feeling ko kung binigay nila kay Julia B yang role ni Anne magiging okay.”

“Sorry, but it’s giving cougar vibes talaga.”

“Mas ok talaga kung si Julia ang partner ni Joshua.”

“Sana ginawa na lang nilang si Jericho ang partner ni Anne.”

“Si Anne okay pa eh pero si Joshua?? Tas visually mukha tlga silang mag ate sa totoo lang.”

“For me naman, si Anne ang weakest link sa kanila. Joshua’s okay. May something off sa acting ni Anne eh. Parang di ko makita si Ko Mun-Yeong sa kanya. Ang nakikita ko ung character nya sa No Other Woman.”

“Di na ba uso chemistry testing?”

“Mismatched kasi sa casting”

“Mukha kasi silang mag-ate.”

“Actually, pareho silang miscast.”