Advertisers
APAT na armadong kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo ang nagsagawa ng holdup sa isang pansitan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.
Nagtakbuhan sa takot ang mga kostumer na kumakain sa mga lamesang nasa labas ng nasabing kainan, ang Pancit Cabagan na matatagpuan sa Blumentritt Street sa Sampaloc, nang makakita ng baril.
Ang may-ari ng kainan ay nakuhanan ng mga alahas at iba pang gamit na nagkakahalaga ng P200,000.
Tahimik na kumakain sa labas ang mga kostumer alas-7:46 ng gabi noong Agosto 7 nang dumating ang mga suspek, naglabas ng mga baril at hinoldap ang may-ari mismo.
Nang makakita ng armas ay nagsitakbuhan sa takot ang mga kostumer habang ang holdup ay natapos naman sa loob ng wala pang isang minuto. (JERRY S. TAN)