Advertisers
Penitensiya ang inabot ng isang rider nang paikot- ikutin at ituro kung saan mag-renew ng rehistro ng magsadya ito sa LTO Muzon Satellite office San Jose Delmonte City, Bulacan noong Miyerkoles, Agusto 6, 2025.
Nang ipakita nito ang smoke emission Certificate galing sa Glouriouss Peaks Emission Testing Center, na katabi mismo ng LTO Muzon Sattilite Office hindi nila tinanggap sa dahilan PMVIC sila kaya pinayuhan itong sa ibang LTO District pumunta gaya ng Mecauayan at Malaria.
Katunayan binalikan niya Glouriouss Peaks Emission Testing Center upang i-refund ang perang binayad niya nguni’t hindi na ito ibinalik kaya minabuti nitong bumabalik sa LTO Muzon at binigyan naman siya ng skedyul kung kailan siya babalik na may petsang August 29, 2025.
Kinabukasan nagpunta siya sa Mecauayan LTO at sinabihan naman siya na manual ang kaniyang Smoke Emission Certificate at hindi obra sa kanila kasi PMVIC ang gamit nila kaya muling pinagbayad ng panibagong smoke emission sa halagang Php450.00 kaya ang nagastos niya isang Php 550.00 na umabot sa halagang Php 1,000 pesos.
Ayon kay Mr. Plastina pinaikot-ikot at napamahal ang rehistro ng renewal ng motor nito kaya nanawagan ito ng aksyunan sa nasabing problema sa dalawang investor na kinomisyon ng LTO na tinatamaan ang publiko at para sa transportation Security Act Magna Carta.
Agad na binigyan pansin ng Pangulo ng Ani Kalikasan na si Jun Evangelista, para tugunan at iparating kay Acting Asst. Sec. Greg G. Pua ang sitwasyon.
Sa Memo. (No.VDM-062025-10) na inisyu ni dating Asst. Sec. Medoza na may petsang June 30, 2025, na halos doble ang halaga na inspection fee na binabayad sa PMVIC ng mga pangpublikong sasakyan at pribado sa smoke emission, lalo na sa LTO R-3 at LTO R-8 at Bohol hindi patas na pagtrato sa unang kinomisyon ng LTO na binigay sa mga investor na PETC, at ang masaklap pinaboran ang PMVIC na bagong investor.
Ang pagkakaiba malaki ang singil ng PMVIC na talagang doble kaysa PTEC mas mura ang sinisingilin na parehas na smoke emmision ang binibigay na serbisyo.(Arnel D. Petil)