Advertisers
DALAWANG US Navy warships ang ipinadala ng Amerika sa Panatag (Scarborough) Shoal ilang araw matapos magkabanggaan ang Chinese ships sa lugar nang harangin ng mga ito ang barko ng Philippine Coast Guard na magsusuplay ng mga pagkain at krudo sa mga mangingisdang Filipino noong Lunes, Agosto 11.
Kinumpirma ng PCG na papunta na sa lugar ang USS Higgins (DDG-76) at USS Cincinnati (LCS-20). Na-monitor ang pagdating ng mga ito sa distansiyang 30 nautical miles mula sa Panatag Shoal, ayon kay Commodore Jay Tariela, ang tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea.
Kamakailan ay nagbanggaan ang Chinese Navy warship at China Coast Guard ship habang hinaharangan at binobomba ng tubig ng CCG ang barko ng PCG. Nawasak ang harapan ng barko ng CCG habang nagasgasan lang ang tagiliran na harapang bahagi ng Chinese Navy
Samantala, binuntutan ng Chinese fighter jet na Shenyang J-15 ang Cessna Caravan aircraft ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsasagawa ng aerial patrol sa Scarborough Shoal.
Lumapit ng 200-500 feet mua sa PCG aircraft ang naturang fighter jet.
“What makes it more dangerous is that gumagalaw kasi siya… sometimes it’s on the right side of the aircraft, minsan nasa ilalim din,” ayon kay Cmdr. Tarriela.
Kasabay niyan, ilang beses nagpalitan ng radio challenge ang Chinese warship 553 sa PCG aircraft.
Umabot sa 20 minuto ang pagmamanman ng fighter jet.
Hindi pa masabi ng PGC kung sagot ito ng China sa insidente noong Lunes.